PANOORIN: Pagbasa ni Lourd de Veyra ng ‘Patalim’ ni Cirilo F. Bautista

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

PANOORIN: Pagbasa ni Lourd de Veyra ng ‘Patalim’ ni Cirilo F. Bautista
Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, binigkas ni Lourd Veyra ang tula ng Pambansang Alagad ng Sining na si Cirilo F. Bautista

Bagaman kilala si Lourd de Veyra na personalidad sa telebisyon at radyo, nauna siyang nagkapangalan bilang isang musiko, makata sa Ingles, at nobelista. 

Kilala rin siya dahil sa kanyang blog na “This Is A Crazy Planets” tungkol sa Philippine pop culture.

Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, inimbita ng Rappler si Lourd de Veyra para basahin ang tulang “Patalim” ng Pambansang Alagad ng Sining na si Cirilo F. Bautista. – Rappler.com

Araw-araw 
sinusubok naming mag-asawa ang talim 
ng aming balaraw 

Halimbawa 
Kung umiiyak 
ang bunsong anak 
at hindi kumikilos ang sintang mahal 
sasaksakin ko siya sa likod 
at patawang pagmamasdan 
habang duguang 
pasususuhin niya 
ang bunso

Kung pundi ang bumbilya
sa aming kusina
at ako’y abala
sa paglikha ng tula
hindi niya ako titigilan
ng saksak sa batok
hangga’t ang ilaw ay di napapalitan

Patas lang ang aming labanan
Lagot kung lagot walang dayaan
Kaya’t
sa katapusan ng araw magbibilang kami ng 
sugat
at tila mga gulanit na kaluluwa
ay magtatawanan magsusuntukan pa

Ganito kaming lagi sapagkat
labis ang pag-ibig namin sa isa’t isa 

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!