US basketball

TULA: ‘Tatlo sa Harap ng COVID-19’ ni Rio Alma

Rappler.com

This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.

TULA: ‘Tatlo sa Harap ng COVID-19’ ni Rio Alma
Bahagi ito ng serye ng mga tula na isinulat ng Pambansang Alagad ng Sining Virgilio S. Almario habang naka-lockdown ang Luzon sa panahon ng coronavirus outbreak

MANILA, Philippines – Matapos ang World Poetry Day nitong Marso 21, nagsimulang mag-post sa Facebook ang Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio S. Almario ng mga tulang isinisulat niya sa panahon ng krisis sanhi ng pagkalat ng novel coronavirus. 

Inilalathala ng Rappler nang may pahintulot ng manunulat ang ilan sa kanyang COVID-19 poems, sa ilalim ng kanyang sagisag-panulat na “Rio Alma.”

 


Tatlo sa Harap ng COVID-19

 

1. Ala-Juanito Pelaez

Maliit ka lang, Tao,
Kulang pa ang agham mo;
Kung sana ay natuto
Sa hatol ni Pilato. 

 

2. Ala-Hermana Rufa 

Tao, kahit maliit
Ang agham mo’y malupit;
Magsisi na’t sumapit
Ang parusa ng Langit. 

 

3. Ala-Pilosopo Tasio  

Tao, maliit ka man
At kulang pa ang agham,
Walang malaking laban
Sa bayang bayanihan. 

 

Rio Alma
22 Marso 2020 

 

Add a comment

Sort by

There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.

Summarize this article with AI

How does this make you feel?

Loading
Download the Rappler App!