PANOORIN: Foreign ministers ng ASEAN, magmimiting sa Boracay

Pag-uusapan ng ASEAN foreign ministers ang iba't ibang regional issues tulad ng sigalot sa West Philippine Sea

Rappler.com

8:41:17am February 20, 2017

11:43:32pm February 20, 2017

BORACAY, Philippines – Magmimiting sa Boracay ang mga foreign minister ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Martes, Pebrero 21. 

Inaasahang pag-uusapan nila ang sigalot sa West Philippine Sea (South China Sea), pati na ang bagong pamumuno ni US President Donald Trump. 

May ulat si Paterno Esmaquel. - Rappler.com

Hello, ako po si Paterno Esmaquel. Nandito tayo ngayon sa Boracay, kung saan gaganapin ngayong Martes ang Foreign Ministers' Meeting ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.

Pag-uusapan dito 'yung iba-ibang mga isyu na bumabagabag sa rehiyon, kasama na ang bagong pamumuno ni US President Donald Trump, pati na ang sigalot sa West Philippine Sea o South China Sea.

Pag-uusapan din nila dito 'yung pagbuo ng mga bagong patakaran o Code of Conduct sa South China Sea.

CHARLES JOSE, FOREIGN AFFAIRS SECRETARY: Ito namang COC, it has been agreed upon by the two sides, ASEAN and China. So I think even China is onboard towards concluding this COC.

Ginaganap ang ASEAN Foreign Ministers' Meeting dito sa Boracay dahil ang Pilipinas ang chairman ng ASEAN ngayong taon. Gusto rin daw nilang ipakita ang ganda ng buong bansa. 

CHARLES JOSE, FOREIGN AFFAIRS SECRETARY: During the Philippine chairmanship of ASEAN 2017, I think we'll be hosting more than 100 meetings. So we're trying to feature different cities and interesting places in the Philippines as hosting venues.

Babalitaan pa namin kayo tungkol dito sa ASEAN.

Paterno Esmaquel, Rappler, Boracay