SUMMARY
This is AI generated summarization, which may have errors. For context, always refer to the full article.
(Subscribe to Rappler podcasts on iTunes and Spotify)
MANILA, Philippines – Nabulabog ang Pilipinas nang pumutok ang balitang lumubog ang isang bangkang pangingisda ng mga Pilipino pagkatapos itong mabangga ng isang Chinese vessel sa Recto Bank (Reed Bank) sa West Philippine Sea noong June 9.
Ang banggaan ay nag-iwan ng malaking sira sa likod ng FB Gem-Ver. Ngunit imbes na tulungan, agad diumanong tumakas ang Chinese vessel at iniwan ang 22 na mangingisda. Sila ay naisalba ng isang Vietnamese fishing vessel. (WATCH: How Chinese ship sank Filipino fishing vessel in West PH Sea)
Ang gobyerno ng Pilipinas ay naging malamya sa kanilang pagtrato sa kontrobersiya – isang malaking kaibahan mula sa pagtrato nito sa ibang isyung kinasangkutan ng ibang bansa. Tinawag naman ni Presidente Rodrigo Duterte na isang “maritime incident” lamang ang nangyaring banggaan at pag-iwan sa mga mangingisda.
Sa podcast na ito, pag-uusapan ng defense reporter na si Rambo Talabong, foreign affairs reporter Paterno Esmaquel, at researcher-writer Jodesz Gavilan ang iba’t-ibang anggulo ng insidenteng dagdag sa mahabang listahan ng harassment sa West Philippine Sea, kasama na rito ang paraan para makamit ang “accountability” na ninanais ng mga mangingisda.
Paano nga ba dapat umaksyon ang administrasyon ni Duterte laban sa China? Ano ang ipinahihiwatig ng mga galaw ng Presidente? Pakinggan ang podcast na ito. – Rappler.com
PAKINGGAN ANG IBA PANG NEWSBREAK PODCASTS:
- PODCAST: Duterte’s diagrams and his war vs critical media
- Sino si Bikoy at dapat ba siyang paniwalaan?
- #PHVote: Ano-ano ang paraan ng vote-buying?
- #PHVote: Ano ang papel ng mga titser tuwing eleksiyon?
- #PHVote: Paano ang pagboto sa party list?
- #PHVote: Bakit may mga patay na nasa voters’ list pa rin?
- Bakit mahalagang mailabas ang tokhang documents?
- Covering the courts: Supreme Court Baguio Session
- Bakit kailangang labanan ang Duterte coverage ban sa Rappler?
- Apay nga kasapulan nga agpetisyon iti Rappler diyay Supreme Court?
- Nganong kinahanglan nga di dapigan ang Duterte coverage ban sa Rappler?
- Ang doble-plaka law bilang panakip-butas sa mga patayan
- Ang pagkalas ni Duterte at Pilipinas sa International Criminal Court
- Ano ang dapat mong malaman tungkol sa Metro Manila water crisis?
- Ang alas ni Eduardo Acierto laban kay Michael Yang
- Campaign Convos: Rappler reporters’ 2019 campaign podcast
Add a comment
How does this make you feel?
There are no comments yet. Add your comment to start the conversation.